Paglalarawan sa mga totoong kaganapan sa buhay ng isang blogger na tulad ko. Puno ng iba't-ibang kwento, malayang komento at makabuluhang argumento sa estado ng buhay ng tao. Hindi ito kathang isip, kung hindi katha ng isang taong nag-iisip. Babala: Nakaka-adik ang pagbabasa. Kung madali kang mahilo at feel mo sobra kang talino, hindi ito para sa'yo.
Sunday, February 27, 2011
Start of the week luck: KFC and LIBRE
Sunday, start of the week. Dapat happy para whole week happy. Nung student pa lang ako, ang alam kong start ng week is Monday, you know, start of school day, kaya start of the week rin. Sabi ko dapat happy. Meron nga bang happy moments. Ano nga bang ginawa ko kanina?
Woke up around 11AM. Brunch na. Sanay na ako sa ganyang gising. Feel ko lagi GY ako eh. Dati, nagigising ako sa amoy ng ulam na niluluto ng tita ko. Sunday kasi sa amin is considered family day. Lahat present. Walang pasok kaya my tita make it a point na magluto ng food for lunch. Kanina, wala. Hindi siya nagluto. Akala ko walang food. He he he! Pwede ba yon? Eh di nagwala kaming lahat sa gutom. Mayamaya pa, may gumising sa akin. Ate, kakain na. What? Kakain na? Bakit wala akong naamoy na niluto? Anong kakainin? Tumayo ako bigla, excited malaman kung ano yung kakainin namin na hindi ko naamoy. Guess what? KFC. Wow, yummy. To some, it may sound petty. Fast food? Chicken? Ano ba yon?
Well, sensya na ha. KFC lover ako eh. Makita ko palang yung chicken, brownies, hay, complete na araw ko. Ang babaw ko 'no pero totoo yon. Para sa akin, ang pinakamasarap na manok, KFC, hot and spicy. Hindi ko alam kung ano ang meron sa KFC, pero kuha nila ang lasang gusto ko. Syempre, lahat tayo may preferred na brand pero para sa akin, KFC lang.
This is the first time na nag-lunch kami ng ganyan. Tinamad lang ba tita ko magluto o talagang walang lulutuin? Whatever. Basta ang alam ko, I have a happy week ahead of me. Bakit? Ang daming magagandang nangyari. First, naayos na yung computer namin. Second, nakuha ko na yung sandals na pinagawa ko and maganda siya ha. Third paglipat ko ng TV palabas yung favorite movie kong "Wedding Singer" and lastly, kumakain ako ngayon ng fries, burger at Sundae. Hindi ko siya binili, libre. Imagine, nakaupo lang ako dito, nagta-type, bigla na lang lalapit pinsan ko, "Ate, papa-deliver ako ng Mcdo, ano gusto mo?" San ka pa? Swerte di ba? Nag-KFC ka na, may Mcdo ka pa. To some it may sound trivial but it's happiness for me. I'm easy to please. KFC and LIBRE, enough to make my day bright and happy.
KFC ang chicken ko, ano ang sa'yo?
Eh sa 'yon ang gusto ko, pakialam mo.
Natatawa ka, ang babaw ko.
Okay lang, yon ang totoo.
Lahat ng tao may weakness, iba't-iba ang gusto.
Sa akin KFC lang, chicken kong paborito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment